May 03, 2023 Wednesday 02:00pm
 
 
 
Bilang Pakikiisa sa Pambansang Buwan ng Pamana 2023, ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay magsasagawa ng lektura hinggil sa tema ng pagdiriwang na “Pamana: Pagpapatuloy at Pagbabago (Heritage: Change and Continuity)” sa 3 Mayo 2023, 10:00 nu–12:00 nt sa Bulwagang Norberto L. Romualdez, Komisyon sa Wikang Filipino na naka-stream sa opisyal na Facebook Page ng KWF. Magsisilbing tagapanayam si PROP. FELIPE M. DE LEON, JR na kilalang eksperto sa kultura at kalinangang Pilipino at dating Tagapangulo ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA).